Pinuna ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang China dahil sa ulat na planong magpataw ng parusa sa mga mambabatas. Aniya, isa itong propaganda upang ilihis ang usapin sa West Philippine Sea.
Iginiit ni Teodoro na dapat sagutin ng China ang mga isyu sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea, Ayungin Shoal at Bajo de Masinloc, kabilang ang arbitral ruling na pabor sa Pilipinas.
📷: PNA


