Sinuspinde ng De La Salle University (DLSU) sa Maynila ang mga klase at pinauwi ang mga estudyante at kawani matapos maiulat ang banta sa seguridad ngayong Lunes, Oktubre 26.
Nagsasagawa na ng pagsusuri ang Manila Police District (MPD) upang matukoy ang banta. Wala pang inilalabas na karagdagang detalye tungkol sa insidente.


