Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang kasunduan ang Pilipinas at Taiwan tungkol sa pagprotekta sa mga kable sa ilalim ng dagat.
Kasunod ito ng mga ulat na pinag-aaralan ng bansa ang posibilidad ng pakikipagtulungan sa Taiwan upang mapangalagaan ang mga ito at matugunan ang mga gray-zone activities.
Ayon sa DFA, nakatuon lamang ang talakayan sa pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang maprotektahan at maayos ang mga nasirang kable.


