Tinuligsa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panawagan ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na alisin sa ahensiya ang karapatang mag-isyu ng visa at ipasa ang proseso sa third-party service provider.
Ayon sa DFA, hindi lamang administratibong proseso ang pag-iisyu ng visa dahil nangangailangan ito ng masusing pagsusuri sa mga aplikasyon at beripikasyon ng mga dokumento.
Iginiit din ng ahensiya na ang kapangyarihang aprubahan o tanggihan ang visa ay nananatiling responsibilidad ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga embahada at konsulado ng Pilipinas.
Nauna nang iginiit ni Remulla na dapat ipaubaya sa third-party provider ang pagproseso ng visa dahil, aniya, ang pangunahing tungkulin ng DFA ay diplomasya at hindi negosyo.
📷: PNA


