Iniimbestigahan ng Department of National Defense (DND) ang pagbagsak ng dalawang eroplano ng Philippine Air Force (PAF) na ikinamatay ng apat na piloto sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas.
Layunin ng imbestigasyon na matukoy ang sanhi ng aksidente at makagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya.
Nangyari ang insidente noong Biyernes, Oktubre 23, nang magbanggaan sa himpapawid ang dalawang SF-260 aircraft bago bumagsak sa loob ng base.
📷: PNA


