Hinimok ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla ang Department of Justice (DOJ) na imbestigahan kung bakit umano’y hindi natanggap ng beteranong mamamahayag na si Philip Lustre Jr. ang subpoena bago maglabas ng arrest warrant laban sa kaniya kaugnay ng kasong cyberlibel sa Davao.
Ayon kay Remulla, dapat tiyakin ng mga prosecutor na wastong naipararating sa mga respondent ang mga subpoena at iba pang dokumento. Aniya, may mga pagkakataong maling address umano ang ibinibigay ng mga nagrereklamo, ngunit tungkulin pa rin ng mga prosecutor na magsagawa ng due diligence.
Inaresto si Lustre sa Quezon City nitong weekend at pansamantalang nakalaya matapos magpiyansa ng ₱48,000. Sinabi ng kaniyang kampo na sinusuri nila ang umano’y pagkakait sa kaniya ng karapatan sa due process.
📷: PNA


