Nagbigay ng palugit ang Bureau of Internal Revenue (BIR) hanggang Oktubre 29, 2026, para sa paghahain ng tax returns at pagbabayad ng buwis.
Saklaw nito ang quarterly Value-Added Tax (VAT) at Percentage Tax, pati ang pagsusumite ng mga kailangang dokumento.
Ayon sa BIR, pinalawig ang deadline dahil hindi magamit ang kanilang online filing at payment system.
Tiniyak din ng ahensya na walang ipapataw na multa sa mga makapaghahain ng tax returns at makapagbabayad ng buwis sa loob ng pinalawig na deadline.



