Anim na dugong at limang pawikan ang namataan sa karagatan ng Kalamansig, Sultan Kudarat, sa isinagawang drone monitoring sa Poral coastal area.
Nakita ang mga hayop na naghahanap ng pagkain sa karagatang sakop ng Barangay Santa Maria at Cadiz.
Isinasagawa ang regular na drone monitoring at pagdodokumento upang makatulong sa pagpaplano ng mga hakbang para sa konserbasyon ng mga marine species sa Region 12.
📹: DENR SOCCSKSARGEN
Via: Ely Dumaboc


