Arestado ang isang barangay kagawad na tinukoy na No. 1 sa listahan ng mga target ng pulisya sa San Antonio, Quezon, matapos makuhanan ng hinihinalang shabu at mga baril sa isinagawang search warrant operation.
Nasamsam sa bahay ng suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱53,040, isang caliber .38 revolver, isang improvised shotgun, at mga bala.
Ayon sa pulisya, nakakapagdulot umano ng takot at pangamba sa mga residente ang suspek dahil sa hinihinalang pagbebenta ng ilegal na droga at pag-iingat ng mga baril.
Nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
📷: San Antonio MPS
Via: Martin Banaag


