Arestado ang 14 na drug personality sa magkakahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Northern Mindanao, kung saan dalawang drug den ang nadismantle. Mahigit ₱179,000 halaga ng hinihinalang ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10, katuwang ang Philippine National Police (PNP).
Siyam na suspek ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro City, noong Oktubre 20.
Samantala, apat na drug personality ang naaresto sa Barangay Sta. Cruz, Jimenez, Misamis Occidental, noong Oktubre 22, kung saan nadismantle rin ang isang drug den.
Isa pang suspek, isang 33-anyos na empleyado ng Road and Traffic Administration sa Cagayan de Oro City, ang naaresto sa Barangay Canitoan noong Oktubre 22.
Nahaharap ang mga suspek sa mga kaukulang kaso dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
📷: PDEA ROX
Via: Laura Pobadora


