Natagpuang wala nang buhay ang isang walong taong gulang na Grade 2 pupil sa Baseco Beach, Maynila noong Lunes ng gabi, Oktubre 26, matapos umanong maligo kasama ang mga kalaro.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:30 ng hapon nang huling makita ang bata. Narekober ang kanyang katawan ng Philippine Coast Guard bandang 8:55 ng gabi matapos ang search operation kasama ang iba pang ahensiya.
Matagal nang ipinagbabawal ang paglangoy sa lugar dahil sa mga panganib at mataas na antas ng coliform sa tubig, ayon sa mga opisyal ng barangay.
Iniimbestigahan na ng homicide section ng Manila Police District ang insidente.


