Posibleng magsimula na ang amihan o northeast monsoon sa bansa sa mga susunod na araw, ayon sa PAGASA.
Karaniwang nagdadala ang amihan ng malamig na panahon, malalakas na hangin, at pag-ulan, dagdag ng state weather bureau.
Samantala, sinabi ng PAGASA na wala pang namo-monitor na low-pressure area (LPA) o bagyo sa loob o malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).



