Nanawagan ang asawa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga tinawag niyang “powerful few” na huwag gamitin ang kaniyang asawa para sa pansariling interes o personal agenda.
Naglabas ng pahayag si Mrs. Nancy Dela Rosa kasabay ng patuloy na malawakang paghahanap ng gobyerno sa senador matapos kumpirmahin ng International Criminal Court (ICC) ang arrest warrant laban kay Sen. Bato.


