Simula Nobyembre 15, babawiin na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng mga motorista na lalampas sa pinapayagang antas ng alkohol sa katawan.
Ayon sa LTO, bibigyan muna ng show-cause order ang mga magpopositibo sa breathalyzer upang makapagpaliwanag bago ipataw ang parusa.
Layunin ng hakbang na maiwasan ang mga aksidenteng dulot ng pagmamaneho nang nakainom.
Sa ilalim ng batas, may 0.04% na limitasyon sa alcohol ang mga driver ng pribadong sasakyan, habang bawal ang anumang antas nito sa mga driver ng pampublikong sasakyan.


