Muling isasailalim sa red at yellow alert ang Visayas Grid ngayong Miyerkules, Oktubre 28.
Ayon sa NGCP, ipatutupad ang red alert mamayang 5 p.m. hanggang 6 p.m., habang naka-yellow alert naman bandang 2 p.m. hanggang 5 p.m. at 6 p.m. hanggang 8 p.m.
Kasunod ito ng pagtaas ng peak demand sa kuryente habang patuloy na limitado ang supply ng mga planta sa rehiyon.



