Humiling muli ang kampo ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) upang pigilan ang pag-aresto sa kaniya batay sa arrest warrant ng International Criminal Court (ICC).
Sa isang manifestation, hiniling din ng kaniyang kampo na baligtarin ng korte ang nauna nitong desisyon na ibasura ang kahilingan para sa TRO noong Mayo 2026.
Ayon sa kaniyang kampo, may mga bagong pangyayaring dapat isaalang-alang, kabilang ang ₱50 milyong pabuya para sa kaniyang pagkakaaresto, ang pahayag ng ilang opisyal na armado at mapanganib umano ang senador, at ang utos na sumuko siya sa loob ng isang linggo.
Nananatiling hindi alam ang kinaroroonan ni Dela Rosa matapos siyang umalis sa Senado noong Mayo 14.
