Nakahanda ang National Bureau of Investigation (NBI) na magpadala ng mga tauhan sa Laos para imbestigahan ang tangkang pagpupuslit sa Pilipinas ng 521 kilo ng shabu.
Ayon sa NBI, hinihintay na lamang nila ang pahintulot ng pamahalaan ng Laos at ng Department of Foreign Affairs (DFA) upang makausap ang naarestong suspek at ang mga opisyal na umaresto rito.
Layunin nilang matukoy ang nasa likod ng ilegal na operasyon.
