Pinalaki sa 500,000 metriko tonelada (mt) mula sa dating 220,000 mt ang minimum access volume (MAV) ng inaangkat na mais sa ilalim ng Executive Order No. 129.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), inaasahang magkukulang ng 1.422 milyong mt ang suplay ng dilaw na mais ngayong taon.
Layunin ng dagdag na importasyon na makatulong na mapigilan ang pagtaas ng presyo ng pagkain para sa mga alagang hayop.
📷: DA file
