TONE-TONELADANG HOT MEAT, NASAMSAM
Nakumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) at National Bureau of Investigation (NBI) ang 31.63 metriko tonelada ng hot meat at iba pang produktong karne sa magkakahiwalay na operasyon mula Hunyo hanggang Setyembre 2026.
Kabilang dito ang 11.5 metriko toneladang undocumented imported meat na nagkakahalaga ng tinatayang ₱5.19 milyon na nasamsam sa Pasay City.
Dalawang Chinese national ang naaresto matapos matukoy na hindi accredited ng NMIS at hindi rehistrado ang mga meat cold storage o depot na kanilang pinatatakbo.
Iniutos naman ng korte na sirain ang mga nakumpiskang karne gamit ang thermal destruction. | via Jim Tejano
