Iginiit ni Vice President Sara Duterte na hindi maaaring direktang makipag-ugnayan sa kaniya si dating Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. para sumalubong at magbigay-proteksyon dahil mahigpit ang seguridad na ipinapatupad sa kanila ng Presidential Security Group (PSG) simula pa noong termino ng kaniyang amang si dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte.
Ito ang kaniyang tugon sa mga nakalagay sa affidavit ni Gracioso kaugnay ng mga alegasyon nitong naghatid umano siya ng mga maleta ng pera sa Bise Presidente.


