Pinalawig ng Energy Regulatory Commission (ERC) hanggang Disyembre 2026 ang no-electricity disconnection policy para sa mga kabahayang kumokonsumo ng 200 kWh o mas mababa kada buwan.
Ayon sa ERC, saklaw nito ang mga hindi pa nabayarang bill para sa Nobyembre at Disyembre.
Sa ilalim ng polisiya, hindi puputulan ng kuryente ang mga kwalipikadong consumer at maaari nilang bayaran nang hulugan sa loob ng tatlong buwan ang kanilang bill.



