Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang alegasyon ni dating Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. na nag-deliver ng dalawang Grandia van ng maleta at boxes ng cash sa kaniyang bahay noong Marso 1, 2021.
Naganap umano ang kaarawan ng kaniyang anak noong Marso 2, 2021, panahon ng pandemya at may mga limitasyon sa mass gatherings, kaya sa bahay lamang nila isinagawa ang pagdiriwang at tanging pamilya lamang ang kanilang kasama.


