Umabot na sa 106 na lugar sa bansa ang isinailalim sa state of calamity dahil sa El Niño, ayon sa ulat ng NDRRMC nitong Lunes, Oktubre 5.
Pinakamarami rito ang nasa Region 2 na may 66 na lugar, 23 sa CARAGA, 12 sa Region 5, apat sa CALABARZON, at isa sa Region 12.
Dahil sa El Niño, mas tumaas ang posibilidad ng madalang na pag-ulan na maaaring magdulot ng dry spell at tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa.



