Sinabi ni Vice President Sara Duterte na napag-usapan nila ng kaniyang ina ang posibilidad na tumakbo sa national elections ang kaniyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.
Ayon kay VP Sara, sinabi ng kanilang ina na umuwi na siya sa Davao at si Baste na lamang ang tumakbo sa national elections.
Nilinaw naman ng Bise Presidente na hindi pa nila napag-uusapan ni Baste ang posibilidad na ito.


