Pinabulaanan ni Vice President Sara Duterte ang mga paratang ni dating Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. na tumanggap umano siya ng mga maleta ng pera mula kay dating House Speaker Lord Allan Velasco.
"Mariin kong itinatanggi ang mga pahayag ni Rodulfo Mondigo Gracioso Jr. sa kaniyang sinumpaang salaysay at mga panayam sa media na iniuugnay ako sa mga pangyayaring hindi ko ginawa, hindi ko nalalaman, o hindi ko personal na naranasan. Ang Gracioso affidavit ay tulad ng [Ramil] Madriaga affidavit na naglalagay ng akusasyon, ngunit hindi naglalagay ng detalye na puwedeng i-verify o i-confirm." saad ni VP Sara Duterte.
Inihalintulad ni Duterte ang affidavit ni Gracioso sa naunang affidavit ni Ramil Madriaga, na ayon sa Bise Presidente ay kulang sa mga detalyeng pwedeng kumpirmahin.



