Sa kaniyang press conference ngayong Martes, sinabi ni VP Sara na makatutulong ang pagkuha ng litrato sa mga landmark tuwing bumibiyahe upang magkaroon ng photo evidence ng kinaroroonan.
Aniya, itinuro rin niya ito sa kaniyang ina, asawa, at mga anak bilang paghahanda sakaling kailanganin ang mga larawan bilang ebidensiya sa hinaharap.



