Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte na una niyang narinig ang pangalan ni dating Rep. Zaldy Co noong 2022 campaign matapos niyang makita ang isang malaking helicopter sa isang rally.
Ayon kay Duterte, nang magtanong siya tungkol sa helicopter, sinabi umano sa kaniya na ginagamit ito noon ni dating presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. at pagmamay-ari umano ni Co, na siya rin umanong nag-aayos ng mga flight ni Marcos noong kampanya.



