Iginiit ni Vice President Sara Duterte na wala siyang tinanggap o pagmamay-ari na Hermès bags o Patek Philippe watches dahil hindi siya mahilig sa mamahaling gamit.
“HINDI AKO MAHILIG SA MAMAHALING GAMIT,” ani Duterte.
Pinabulaanan ng bise presidente ang mga alegasyon ni dating Police Corporal Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay ng umano’y lavish lifestyle at paggamit umano ng luxury items.


