Dalawang driver ang sugatan matapos sumalpok ang isang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) sa ambulansya sa northbound lane ng EDSA-Balintawak, Quezon City, kaninang 3:40 ng umaga.
Papaalis na sana ang ambulansya sakay ang dalawang pasyente nang salpukin ito ng pulang kotse. Wasak ang harapang bahagi ng kotse, habang natanggal naman ang pinto ng ambulansya.
Nagtamo ng sugat sa kamay ang TNVS driver, na posibleng nakatulog o inantok habang nagmamaneho, ayon sa mga awtoridad.
Patuloy na iniimbestigahan ng QCPD Traffic Sector 1 ang insidente. | via Jim Tejano



