Kinumpirma ni AMLC Executive Director Ronel Buenaventura na ang mga remittance sa rekord ng AMLC ay ipinadala sa Cale88 at hindi kay Vice President Sara Duterte o kay Atty. Manases Carpio.
Ayon kay Buenaventura, walang nakasaad sa mga record na illegal ang mga negosyong nakipag-transaksyon sa Cale88.
Wala rin umanong record na nagpapakitang nagpadala ang China o gobyerno nito ng pondo sa Cale88.


