Magpapatupad ang Commission on Elections (Comelec) ng apat na araw na pasok kada linggo o four-day workweek simula Nobyembre 2 hanggang Marso 2027.
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, bahagi ito ng kanilang hakbang para makatipid sa kuryente. Mas magaan na rin umano ang trabaho ng poll body matapos ipagpaliban sa 2028 ang barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Gayunman, ipagpapatuloy ng Comelec ang paghahanda para sa voter registration at iba pang halalan.



