Sinabi ni Vice President Sara Duterte na tinanong niya si dating House Speaker Lord Allan Velasco tungkol kay Rodulfo Gracioso Jr., na naglabas ng mga alegasyon laban sa kaniya.
Ayon kay Duterte, sinabi ni Velasco na dating security niya si Gracioso na nangasiwa sa isang party-list sa Samar.
“TINGIN KO MAY TAMA SA ULO,” ani Duterte, ayon sa kaniyang paglalarawan kay Gracioso.
Humingi pa raw ng tulong pinansyal si Gracioso dahil sa kaniyang karamdaman.
Ibinahagi rin ni Duterte ang screenshot ng kanilang pag-uusap matapos niyang ipadala kay Velasco ang affidavit ni Gracioso.



