"MOTIVATED BY MONEY SIYA."
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na pera ang motibasyon ni Rodulfo Gracioso Jr. para sabihin ang mga alegasyong ibinabato nito laban sa kaniya at hindi dahil sa personal feelings. "Pera, pera lang 'yan. Transactional 'yan," pahayag ng bise.
Dagdag pa ng bise na nakumpirma ng kaniyang kampo ang umano’y motibasyon ni Gracioso batay sa mga pahayag nito at sa isang katulad na insidente na kinasangkutan ni Jeffrey Tupas, na naging information officer ng Davao City noong alkalde pa si Duterte.


