Nilinaw ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi nila layuning manakot o magbanta sa sinuman ng posibleng paglabag sa bank secrecy laws kaugnay ng mga dokumento ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Ayon kay defense spokesperson Atty. Michael Poa, ipinaliwanag lamang ni defense lawyer Atty. Mark Vinluan ang mga probisyon ng batas habang tinatanong si AMLC Executive Director Ronel Buenaventura.
Sa pagtatanong ni Vinluan, binanggit niya ang posibleng pananagutang administratibo at kriminal sa mga maglalabas o mag-uulat ng confidential information, kabilang ang media.
📷: Senate



