WALA SILA SA MARINDUQUE O MAYNILA
Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang mga litrato na nagpapakita na nasa bakasyon siya kasama ang kaniyang mga anak noong Abril 18-20, 2019 habang nasa Puerto Prinsesa, Palawan naman siya noong Abril 24, 2019. Ito ay upang pabulaanan ang mga alegasyon ni dismissed police officer Rodulfo “Rody” Gracioso Jr. na naghatid umano siya ng dalawang maleta na naglalaman ng tig-₱50 milyon kay Jeffrey Tupas sa Diamond Hotel, na dating information officer ni VP Sara.
Ayon sa affidavit ni Gracioso, nangyari umano ang paghahatid noong Abril 2019 habang nasa campaign trip sa Marinduque si Duterte. Itinatanggi naman ni Tupas at VP Sara ang alegasyon.



