Nakumpiska ng National Meat Inspection Service (NMIS) at National Bureau of Investigation (NBI) ang 11.5 metriko toneladang undocumented imported meat na nagkakahalaga ng tinatayang ₱5.19 milyon sa Pasay City.
Dalawang Chinese national ang naaresto matapos matukoy na hindi accredited ng NMIS at hindi rehistrado ang mga meat cold storage o depot na kanilang pinatatakbo.
Iniutos naman ng korte na sirain ang mga nakumpiskang karne gamit ang thermal destruction.
📍 via Jim Tejano
📷: NMIS

