Nakumpiska ang tinatayang ₱5.23 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa magkakahiwalay na anti-drug operations sa Northern Mindanao noong Oktubre 1 at 2.
Ayon sa pulisya, anim na suspek ang naaresto sa mga operasyon sa Cagayan de Oro City, Camiguin at Iligan City. Kabilang dito ang dalawang high-value individual sa Barangay Macasandig na nakumpiskahan ng 470 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱3.196 milyon.
Sa Camiguin, sampung gramo ng hinihinalang shabu at 30 gramo ng hinihinalang marijuana ang nasamsam, habang 133 gramo at 157.32 gramo ng hinihinalang shabu naman ang nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon sa Iligan City at Cagayan de Oro.
Nahaharap ang anim na suspek sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Patuloy naman ang imbestigasyon upang matukoy ang pinagmulan ng mga nakumpiskang ilegal na droga. | via Laura Pobadora
📷: RPIO PRO10


