Iginiit ng Iran na hindi bubuksan ang Strait of Hormuz hangga’t hindi natutupad ang pitong kondisyong nakapaloob sa pansamantalang kasunduan nito sa Estados Unidos noong Hunyo.
Ayon kay Iranian Parliament Speaker Mohammad Baqer Qalibaf, maaaring maibalik sa normal ang maritime passage sa loob ng pitong araw kung matutupad ang mga kondisyon.
Patuloy naman ang Qatar-mediated talks sa pagitan ng Tehran at Washington, habang sinabi ng Iranian Foreign Ministry na nakatuon muna ang kanilang panig sa seguridad sa Strait of Hormuz at hindi sa nuclear negotiations.
📷: Reuters

