Sinusuri ng Australian counterterrorism authorities ang ugnayan sa Australia ng co-pilot ng Flydubai flight FZ1073 na umanong umatake sa piloto at nagtangkang agawin ang kontrol sa eroplano habang patungo ito sa Israel mula Dubai.
Ayon sa Australian Federal Police, sinusuri ng Victorian Joint Counter Terrorism Team ang background ng co-pilot, kabilang ang ulat na nag-aral siya sa isang unibersidad sa Melbourne.
Ang co-pilot, na kinilalang Omani national na si Hammam al-Hammami, ay nasa kustodiya ngayon ng United Arab Emirates.
Nauna nang sinabi ng UAE prosecutor general na gumamit umano ng emergency crash axe ang co-pilot laban sa captain. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at motibo nito.
📷: Reuters

