Sugatan ang anim na sundalo ng 101st Infantry Brigade ng Philippine Army matapos tambangan habang bumibiyahe sa Bahja, Tipo-Tipo, Basilan nitong Lunes ng umaga, Oktubre 5.
Agad silang dinala sa Lamitan City District Hospital para malapatan ng lunas.
Wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang PNP Basilan kaugnay ng insidente. Patuloy naman ang manhunt operation ng militar laban sa mga responsable sa ambush. | via Ely Dumaboc
📷: Richard Falcatan


