“Walang tinatago ang Bise Presidente.”
Iginiit ng defense lawyer na si Atty. Mark Vinluan na walang itinatago si Vice President Sara Duterte habang tinututulan ng depensa na mag-testimonya si Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Ronel Buenaventura sa impeachment trial.
Ayon kay Vinluan, dapat dumaan sa tamang proseso ng beripikasyon ang mga datos alinsunod sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) at hindi dapat basta isapubliko ang confidential information.
Aniya, maaaring maging delikado ang naturang hakbang dahil pwede itong maging precedent sa pagsisiwalat ng confidential documents ng iba pang opisyal ng gobyerno.


