Hindi na isasama ng House prosecution panel ang bribery charge laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis umano ang impeachment trial.
Sinabi ng prosecution na napagdesisyunan nilang alisin ang Article 3, na tumutukoy sa umano’y panunuhol ng bise presidente sa mga opisyal ng Department of Education (DepEd) upang malampasan ang mga patakaran sa procurement noong siya pa ang kalihim ng ahensya.
Naniniwala ang prosecution na sapat na umano ang mga ebidensyang naiharap sa natitirang tatlong articles of impeachment.



