Humiling sa NBI ang kampo ni Vice President Sara Duterte ng kopya ng affidavit at iba pang kaugnay na dokumento tungkol sa mga alegasyon ni Rodulfo Gracioso Jr.
Kasunod ito ng pagpapadala ng NBI ng imbitasyon sa Bise Presidente para talakayin ang naturang isyu.
Matatandaang sinabi ni Gracioso sa kaniyang affidavit na naghahatid umano siya ng milyun-milyong pisong cash kay VP Sara at iba pang personalidad.



