Nasawi ang pitong minero matapos umanong malason sa loob ng isang mining tunnel sa Itogon, Benguet.
Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), posibleng naipon ang nakalalasong gas sa tunnel dahil sa kakulangan sa bentilasyon.
Natuklasan ang insidente matapos hindi makabalik ang pitong minero, dahilan upang pumasok ang ibang manggagawa para hanapin sila.
Narekober at nakilala na ang mga labi ng pitong biktima. Ayon sa MDRRMO, hindi batid ng LGU ang operasyon sa naturang tunnel na sinabing illegal small-scale mining.
