Nasamsam sa isang checkpoint sa Barangay Poblacion, Libertad, Misamis Oriental ang 1,045 reams ng hinihinalang puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng ₱836,000 nitong Miyerkules, Setyembre 30.
Pinigil sa checkpoint ang isang puting SUV na minamaneho ng 34-anyos na lalaki, kasama ang pasahero nito. Nakatago umano sa sasakyan ang mga sigarilyong ihahatid mula Marawi City patungong Laguindingan at Cagayan de Oro City.
Dinala ang dalawang suspek sa pulisya para sa dokumentasyon at profiling, habang ituturn-over sa Bureau of Customs ang mga nakumpiskang sigarilyo para sa kaukulang disposisyon. | via Laura Pobadora
📷: RPIO, PRO10
