Nakumpiska ang 34 na kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng ₱740,000 sa dalawang lalaki sa Barangay Pisuac, Urbiztondo, Pangasinan.
Ayon sa pulisya, naaktuhan ang mga suspek na nagbababa ng mga kahon ng sigarilyo mula sa isang L300 van. Nabigo rin umano silang maipakita ang kaukulang mga dokumento para sa mga produktong may label na Power, Fort, Modern, at Playboy.
Ang dalawang suspek, edad 38 at 31, ay parehong mula sa San Antonio, Nueva Ecija at kasalukuyang nakadetine sa Urbiztondo Police Station. Nahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Train Law at Graphic Health Warning Law. | via Scarlyn Hermogeno
📷: Urbiztondo PS
