Aabot sa mahigit ₱46 bilyon ang inihandang pondo ng pamahalaan ngayong taon para tugunan ang posibleng epekto ng “Super El Niño.”
Ayon sa Malacañang, kabilang dito ang ₱6.2 bilyong nakalaan para sa fuel assistance, fertilizer, at iba pang farm inputs para sa mga magsasaka at mangingisda, at ₱39.82 bilyon para sa disaster management.
Samantala, sinabi ng National Water Resources Board na wala pang inaasahang water interruption sa ngayon dahil sapat pa ang tubig sa mga dam matapos ang mga pag-ulan nitong mga nakaraang buwan.
