Hindi inaasahan ng defense counsel ni Vice President Sara Duterte ang pag-atras ni dating Senador Antonio Trillanes IV bilang testigo ng prosekusyon sa impeachment trial.
Ayon kay Atty. Michael Poa, nirerespeto nila ang desisyon ng kabilang panig sa pagpili ng mga testigong sa tingin nila ay makapagpapalakas sa kanilang kaso.
Sinabi naman ng prosecution panel na mismong si Trillanes ang nagdesisyong umatras bilang testigo.
Matatandaang ihaharap sana ang dating senador sa paglilitis kaugnay ng Article II o alegasyong hindi maipaliwanag na yaman ng bise presidente.
Nauna ring sinabi ng prosekusyon na mauunang ihaharap si Trillanes bago ang mga kinatawan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at mga bangko.
📷: PNA



