Pinuna ni Senator-judge Raffy Tulfo ang House prosecution panel dahil umano sa hindi maayos na pagpili at presentasyon ng mga testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Sen. Tulfo, may mga testigo umanong hindi naman kailangang iharap at nasasayang lamang ang oras ng impeachment court. Binanggit din ni Tulfo na may abogado pang nagpa-cut habang kinakausap ang witness na pulis.
Dagdag pa ng senator-judge, may ilang senador na inaantok o lumalabas sa session hall dahil wala umanong mahalagang naitutulong ang ilang testigo sa imbestigasyon.
📺 TUTUKAN ANG NET25 LIVESTREAM: NET25 Livestream


