Muling ipatutupad ang NCAP sa ilang kalsada sa Metro Manila simula sa Lunes, Oktubre 5, ayon sa mga lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga lungsod na magpapatupad nito ang Manila, Quezon City, Valenzuela, Parañaque at Muntinlupa.
Matatandaang noong Hulyo 9, ibinasura ng Korte Suprema ang pinagsamang mga petisyon laban sa pagpapatupad ng NCAP sa limang naturang LGU.
Maaaring tingnan ng mga motorista ang kanilang mga traffic violation sa online portals ng kani-kanilang LGU o sa eGovPH Super App.

